Sports
January 3, 2026Eala, Bagunas, ibinandera ang watawat sa 33rd SEAG opening; 11 bansa, lumahok
1 min read
Share:

Iwinagayway nina Tennis sensation Alex Eala at Volleyball star Bryan Bagunas ang watawat sa pagparada ng mga atletang Pilipino, hudyat ng pagbubukas ng 33rd Southeast Asian (SEA) Games, kagabi sa Rajamangala National Stadium.
Kasama ang mahigit 1,700 na mga atleta ng Pilipinas na kung saan ay naitalang pinakamaraming delegasyong naipadala sa SEA Games mula sa kasaysayan.
Nakiisa rito ang 11 bansa sa parada kabilang na ang Thailand, Malaysia, Indonesia, Cambodia, Pilipinas, Singapore, Myanmar, Vietnam, Laos, Brunei, at Timor-Leste na sa bawat hakbang ay ramdam ang pagkakaisa, tibay ng pagkakaibigan at ang sigla ng kompetisyon.
Tatakbo mula Disyembre 9 hanggang 20, 2025 ang nasabing palakasan, na may daan-daang laban sa iba’t ibang larangan ng isports.



