Sports
January 3, 2026Kukuys sinupil ang Execration, namayagpag sa Predator League 2026
1 min read
Share:

Sa isang matinding bakbakan na umabot ng limang laro, nagpakitang gilas ang Kukuys matapos na hugutin ang 3-2 sa grand finals laban sa powerhouse team Execration upang masungkit ang kampeonato sa Asia Pacific Predator League 2026 na naganap sa SM North Edsa, Quezon City, Nobyembre 25, 2025.
Matapos koronahan, inuwi ng koponan ang lion's share na may halagang ₱200,000, at pinagtibay nila ang kanilang panalo na nagsasabi na kaya pa rin nilang lumaban at umangat hindi lamang sa lokal na eksena.
"Masaya ako kasi 'yung apat na player, lumaban hanggang dulo," sabi ni Carlo “Kuku“ Palad matapos purihin ang kaniyang kasama sa koponan.
Nakakuha pa rin ang Execration ng ₱120,000 matapos masungkit ang ikalawang pwesto.
Sinundan naman nito ng Team Nemesis at InterActive Philippines na nakakuha ng tig-₱50,000 matapos sungkitin ang ikatlong pwesto at magwagi sa laban para sa bronze medal.
Ang tatlong koponan na Kukuys, Execration at Team Nemesis ang magiging kinatawan ng Pilipinas para sa Asia Pacific Predator League 2026, ito ay gaganapin sa sa India sa Enero.



